Abante Tonite Interactive

Undocumented Malaysian national, pinigil ng PCG

By
5

Idinetine ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang undocumented Malaysian national na pinaniniwalaang terorista matapos masita sa isinagawang foot patrol sa bisinidad ng Taha Wharf, Baliwasan Sea Side, Zamboanga City kamakalawa.

Ayon kay Commander Armand Balilo, spokesman ng PCG, ang suspek na si Abduwalid Ibno Y Mohammad, 38, ay nakita umanong kasama ng ilang miyembro ng Abu Sayyaf habang papasakay umano sa barko papunta sa Mapun, Tawi-Tawi.

Nang sitahin ng PCG dakong alas-10:40 ng umaga ay wala itong naipakitang anumang dokumento tulad ng pasaporte at iba pang travel documents dahilan upang arestuhin at dinala sa Coast Guard Station sa Zamboanga para sa kaukulang ­imbestigasyon.