Unfair maningil! Lending company tinanggalan ng lisensya

Binawi ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang lisensiya ng Super Cash Lending Corp. para magpautang dahil umano sa hindi patas na pagkolekta nito sa mga kostumer.

Nalabag umano ng kompanya ang SEC Memorandum Circular No. 18 na nagsasaad ng unfair debt collection practices, ayon kay Commissioner Kelvin Lee.
Sa ilalim ng memorandum na nilabas noong Agosto 2019 pinagbabawal sa mga financing at lending company ang pananakot, paninirang puri, pambabastos, pagkakalat ng personal na impormasyon ng nangutang, paniningil ng disoras ng gabi at iba pa. (Eileen Mencias)