Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Unica hija ginahasa ng tatay

0 212

Himas rehas ngayon ang isang ama sa San Juan, La Union matapos diumanong halayin ang kanyang nag-iisang anak na dalaga, ayon sa San Juan Police Station (SJPS).

Sa bisa ng arrest warrant na ibinaba ni Judge Reah Gallo, ng San Fernando City, La Union regional trial court (RTC), Branch 10, dinakip ang 39-anyos na tatay sa nasabing bayan. Base sa record, ayon kay chief-of-police P/Capt. Gerardo Macaraeg, inaresto ang suspek dahil sa reklamo ng anak nito.

Ayon sa testimonya ng biktima, hindi lang isang beses siya hinalay ng kanyang ama. Una umanong nangyari ang panggagahasa sa kanya nitong Abril na inulit pa nitong Oktubre taong kasalukuyan.

Sinabi ng dalaga sa pulis na tinakot siya ng kanyang ama na may magyayari sa kanyang masama kapag nagsumbong siya sa mga pulis. Gayunman, naglakas loob pa rin ang biktima na isumbong sa pulisya ang kanyang ama na nag-ugat sa pag-aresto rito.

Mariin namang tinanggi ng suspek ang paratang sa kanya na nakakulong ngayon sa SJPS detention cell. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.