Abante Tonite
Mabilis sa Balita

UNICEF: 1 bata sapol ng AIDS kada 2 minuto

0 160

Iniulat ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) na higit o hindi bababa sa 300,000 mga bata o isang paslit ang nahawaan ng human immunodeficiency virus (HIV) kada dalawang minuto habang nakatuon ang buong mundo sa pandemya ng COVID-19 noong 2020.

Inilabas ng UNICEF ang ulat na ito kasabay ng World AIDS Day kahapon kung saan sinabi pa ng ahensiya na nasa 120,000 mga bata ang nasawi dahil sa naturang sakit noong nakaraang taon o isang paslit kada limang minuto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay UNICEF Executive Director Henrietta Fore, naapektuhan ng mahabang pandemya ng coronavirus ang matindi ring suliranin sa HIV epidemic at nalagay sa panganib ang mga bata.

“The HIV epidemic enters its fifth decade amid a global pandemic that has overloaded health care systems and constrained access to life-saving services. Meanwhile, rising poverty, mental health issues, and abuse are increasing children and women’s risk of infection,” ayon kay Fore. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.