Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Unicef inawat mga basher ng batang Nuezca

0 134

Nagpahayag ng labis na pangamba ang United Nations Children’s Fund (Unicef) para sa menor de edad pang anak ng pulis na bumaril at nakapatay sa isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac matapos na kumalat ang mga litrato nito sa social media.

Binigyang-diin ng Unicef na may karapatan ang mga bata na mabigyan ng proteksyon sa lahat ng uri ng karahasan, kabilang na rito ang pambu-bully.

SM food to go Banner Ad

Sabi ng UN agency, biktima rin ang anak ni Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa naganap na pamamaslang sa mag-inang Sonya Gregorio at Frank Anthony.

Umapela sa publiko ang Unicef na tigilan ang paggamit ng masasamang salita at pagpo-post ng mga litrato at personal na impormasyon ng batang babae dahil nakakadagdag lalo ito sa trauma na pinagdaraanan ng menor de edad at maaaring maharap pa ito sa panganib.

Binanggit pa ng Unicef na base sa mga pag-aaral, ang mga batang nakasaksi sa isang karahasan ay maaaring dumanas ng physical at mental health problem, at ilan sa mga ito ay maaaring makita sa kanilang paglaki. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.