Abante Tonite Interactive

UniPin-Indonesia lulusubin ang eSports sa Pilipinas

By
948

Palalakasin ng Indonesia sa pamamagitan ng UniPin Online Game Voucher ang electronic sports o eSports sa buong rehiyon ng Silangang Asya sa pagpasok nito sa Southeast Asian Gaming Market para ilunsad ang mga torneo sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Ang UniPin Online Game Voucher ang pinakamalaki at pinakasikat na brand sa Indonesian online gaming industry na nais palakasin ang kanilang programa sa eSports sa SEAG Market sa pagdaraos ng mga torneo sa ‘Pinas.

Bilang panimula sa pagpalaganap sa Southeast Asian vision, nakisos­yo ang UniPin sa ilang lokal na nagbabahagi ng eSports gaya ng SM Cyberzone para mag-organisa ng eSport mga competition sa buong bansa gayundin sa TNC Philippine Holdings Inc. bilang isa sa mga distributor.

“Philippines was the ideal platform to launch UniPin due to many similarities in terms of market trends and gamers characteristics between the Philippines and Indonesia,” ani Mr. Ashadi Ang, ang CEO ng UniPin.

“There are numerous questions as to why we chose the Philippines as our first milestone to enter the Southeast Asian countries and among this was Philippines’ population of more than 100 million people coupled with percentages of residents possessing bank accounts at 14%-16%, according to the research conducted by BPS survey.­”

“A vision, a dream to merge the gamers experiences in Southeast Asian countries, even though sounds impossible, but with our experiences, commitments and high dedication, we are optimistic to make our dream come true here in the Philippines” aniya.

Sa kasalukuyan, kapareha ng UniPin partners ang higit 300 game publishers worldwide sa kabuuang 10,000 game titles.

Ipinangako ng Uni­Pin na gagawin nito ang pinakamalaking online gaming community sa bansa para sa rehiyon sa pagsisimula sa ‘Pinas ng international-class flagship at mga paboritong produkto tulad ng Mobile Legends Bang Bang, Player Unknown Battleground (PUBG), DOTA 2, League of Legends­, Battlenet Club, Nexon Karma Koin, at marami pang iba.