Abante Tonite Interactive

Universal Health Care, isang napakagandang regalo sa tao

361

Agresibo sa pagpapalaganap ng impormasyon ang ilang senador sa kagandahan ng Universal Health Care bill ng dalawang kapulungan ng Kongreso. Pirma na lang daw ni Pangulong Digong Duterte ang kulang para ito maging ganap na batas.

Kahit na hindi nangyari ay inaasam nang aginaldo ng Pangulo sa taumbayan ang pirma niya rito (dahil bago pa mag-Pasko ay naipadala na ito sa tanggapan ng Pa­ngulo para mapirmahan), magandang regalo pa rin kung magiging ganap itong batas anumang araw.

Ang Universal Health Care ay sasakupin ng PhilHealth ang bawat Filipino. Lahat, basta Filipino, ay dapat daw makinabang sa PhilHealth, ang health care insurance na subsidized ng gobyerno.

Itutuloy nito ang naibigay nang benepisyo ng Aquino government na automatic lifetime member ang mga senior citizen na fully-subsidized ang membership. Ibig sabihin ay libre sila sa paghuhulog.

Mas palalawakin lang ang mga isa-subsidized ng gobyerno sa ilalim ng batas dahil ang lahat ng indigent o pinakamahihirap na Pinoy ay sasakupin din nito, maging ang mga persons with disability (PWD).

Ngunit ang pinakamagandang balitang dala ng Universal Health Care, oras na pirmahan ng Pangulo, ay magagamit na rin sa check-up o consultation at out-patient laboratories o diagnostic procedures ang PhilHealth benefits.

Hindi tulad ngayon na “upon confinement” lang o kung naospital lang nagagamit ang PhilHealth.

Ibig sabihin naaagapan na magamot ang sakit ng mga walang pera dahil kailangang maospital muna sila bago ma-avail ang PhilHealth benefits.

May nababanggit pa na tataasan din daw ang cove­rage ng PhilHealth sa hospital bills at kung maaari nga ay 100% wala nang babayaran para sa mga simpleng sakit.

Unang na-conceptualize ng administrasyong Aquino ang Universal Health Care kung saan kasama noon sa programa ang modernisasyon ng mga public hospital sa bawat probinsya.

Nababahiran ngayon ng pagdududa kung maitutuloy ng Duterte administration ang Aquino health care vision lalo pa’t imbes na buhusan ay tinapyasan pa ang pondo ng health department.