Abante Tonite Interactive

Universal Healthcare Bill bigong makalusot sa bicam

343

Pinangangambahang matengga pa sa Bicame­ral Conference Committee ang Universal Health Care (UHC) Bill na naglalayong mabigyan ng mandatory health services ang mga Pilipino partikular ang mga mahihirap.

Sa isinagawang Bicameral Conference Committee meeting sa Senado kahapon, kinuwestiyon ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang “equal benefit” ng mga mahihirap at mga contri­butor ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) sa ilalim ng UHC.

Iginiit ni Recto na dapat may matanggap na karagdagang insentibo ang mga contributor ng Philhealth kumpara sa mga matatanggap na insentibo ng benepisyaryo ng UHC.

Nangangamba kasi si Recto na kapag pareho ng benepisyo ang mangyayari sa ilalim ng UHC ay hindi malayong malagay sa alanganin ang koleksyon ng Philhealth.

Dahil dito, pag-aaralan pa ang mga isyu sa UHC bago ito aprubahan.