Abante Tonite Interactive

Unli angkat ng asukal, bigas awat na!

309

Lalo umanong malulugmok at mapupuruhan ang naghihingalong sektor ng agrikultura sa ‘unlimited’ na importasyon ng asukal at bigas.

Dahil dito, mas lalo pang titindi ang kahirapan sa mga kanayunan, ayon kay Butil Party-list Rep. Cecil Chavez.

Nananawagan ang kongresista sa gobyerno na kontrolin ang aniya’y “importation mania” na kasalukuyang nangingibabaw na polisiya pagdating sa supply ng pagkain sa Pilipinas.

“I have this fear that the so-called ‘unli’ importation policy will go on and on until the time Phi­lippine farming is dead and local food production would cease to exist,” pahayag ni Chavez.

Nakababahala umano ang pag-aanunsyo ng gobyerno na “open season” na ang pag-aangkat ng asukal matapos maaprubahan ang batas na nagbabaklas ng quantitative restriction (QR).

“The question now is what food item produced locally would be covered by the next announcement of unlimited importation,” nangangambang tanong ni Chavez.

Binigyan-diin ng lady solon na nakikiisa siya sa sentimyento at nakakiling sa 20 lalawigan na tumututol sa ‘unlimited’ na pag-aangkat ng asukal.

Binanggit ni Chavez na gaya ng mga magsasaka ng palay, ang sektor ng asukal ay wala ring napapalang suporta mula sa gobyerno.