Abante Tonite Interactive

Unli term ni Alan makasarili — Ping

636

Sinupalpal ni Senador Ping Lacson ang panukalang unlimited term extension ni Taguig Rep. Alan Peter Cyetano para sa mga miyembro ng Kamara .

Ayon sa Twitter post ni Lacson, hindi maganda ang mensaheng ibinibigay ng suhestyon ni Cayetano at maling-mali ang una nitong hakbang sa pag-upo bilang House Speaker sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo 22.

“It’s another way of saying goodbye to Cha-cha under the 18th Congress. I would say, country first before self-interest,” sabi pa nito.

Si Cayetano ang napiling iindorso bilang Speaker of the House of Representantive ni Pangulong Rodrigo Duterte sa napagkasunduang term sharing kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Nauna nang ipinahayag ni Cayetano ang unang uupong speaker sa 18th Congress na isusulong niya ang pagpapahaba ng termino ng mga halal na opisyal sa isasagawang Charter change dahil masyadong maikli ang kasalukuyang tatlong termino.

“So, I’d like to clarify that, you know, while we will push for federalism, I think, there is a way that the Senate will agree that we push either for four years no term limit or five years na may term limit. And it is not a political thing, it is a practical thing,” sabi pa ni Ca-yetano kasama ilang kongresista na nagpulong noong Miyerkoles.
Paliwanag ni Cayetano, gagawin ang pagpapalawig sa termino ng mga halal na opisyal kasabay ng pagsusulong sa pagpapalit sa sistema ng gobyerno na pederalismo.

Si Cayetano ay uupo bilang speaker ng 15 buwan at si Velasco ay 21 buwan.

Sa kasalukuyan, tatlong taon ang termino ng mga kongresista at kapag natuloy ang plano ni Cayetano ay maaari nang tumakbo ng ilang ulit ang mga kongresista na may 4 year term o ang 5-year term na may term limit.

Upang maging mabilis umano ang pagtatrabaho ng Kamara ay bubuuhin umano ni Ca-yetano ang Die-hard Duterte Super Majority.