Abante Tonite Interactive

‘Unstoppa-Bell’ ang Blaze Spikers

275

Patuloy ang pananagasa ng defending champion Petron Blaze Spikers matapos pagulungin ang last year’s runner-up F2 Logistics 25-14, 25-17, 25-21 kagabi sa Phili­ppine Superliga Grand Prix sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Hindi na pinaporma ng Blaze Spikers ang Cargo Movers, tinapos nila ang laban sa tatlong sets upang ilista ang malinis na 11 panalo.

Kinapitan ng Petron sina import Katherine Bell at local netter Denden Lazaro upang walisin ang mahigpit na karibal F2 Logistics sa double round preliminaries.

Abante Hiring – IT dep

Kumayod si Bell ng 25 attacks, tatlong service aces at dalawang blocks habang bumakas si Lazaro ng 13 excellent digs sa event na suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

Nanatili ang Cargo Movers sa se­cond spot ng team standings tangan­ ang 8-3 record. (Elech Dawa)