Abante Tonite Interactive

UNSTOPPA-BEN

156

Mga laro ngayon Smart-Araneta Coliseum
2:00 p.m. — FEU vs. Adamson
4:00 p.m. — Ateneo vs. NU

Pinana ng De La Salle Green Archers ang 89-71 panalo laban sa University of the Philippines Fighting Maroons kahapon para masolo ang liderato ng Season LXXIX UAAP men’s basketball tournament sa Smart-Araneta Coliseum.

Muling ipinakita ni big man Ben Mbala ang dominasyon sa loob ng court, hindi nagpaawat nang irehistro ang 30 points sa 12-of-15 shooting sa field na may 14 rebounds pa at nilista ng title favorite Green Archers ang 2-0 win-loss record.

Bumakas sina Abu Tratter at Je­ron Teng ng tig-12 puntos para sa Taft-based squad, may 11 points si Jollo Go.

Problema lang ni head coach Aldin Ayo ang maraming posesyon na pina­migay ng Archers.
“We still had 26 turnovers,” punto ni Ayo.

Tangan ng La Salle ang siyam na puntos na bentahe sa halftime, 43-34, bago humarurot nang todo sa third tungo sa 76-52 lead papasok ng fourth quarter.

Naglagak si Paul Desiderio ng 21 points, may 13 si Jett Manuel para sa Fighting Maroons (2-0).

Nalusutan naman ng host University of Sto. Tomas Growling Tigers ang University of the East Red Warriors sa manipis na 88-87 panalo para ilista ang unang ‘W’ sa dalawang laro.

Kasalo ng Red Warriors ang Fightin­g Maroons sa ilalim ng team standings sa 0-2.