Abante Tonite Interactive

Unsung hero

248

Ray Mark Patriarca

Eya Laure at Sisi Rondina.

Sila ang dalawang manlalaro na laging maririnig na kadikit ng bumangis na UST Golden Tigresses.

Dapat naman lalo na’t sina Rondina at Laure, hindi maikakaila na sila ang bumuhay sa España-based squad para muling makuha ang kampeonato na huli pang nasungkit siyam na taon na ang nakalilipas.

Si Laure, ginawarang Rookie of the Year. Samantalang si Rondina naman, binulsa ang kanyang unang MVP award sa indoor volleyball tourney.

Pero maliban sa dalawa, isa pang manla­laro ang kasamang gumagawa ng ingay, ay ang kanilang fourth year setter na si Alina Bicar.

Naging tampulan ng tukso si Bicar sa kasagsagan ng torneo dahil sa kanyang mga inconsistent play, kaunting minuto lang ang nilalaro noong elims at mas gamit ang rookie setter na si Mafe Galanza.

Biglang nag-iba lang ang ihip ng hangin para sa playmaker.

Sa Final Four, naging matatag ang 5-foot-5 setter kontra defending champs La Salle Lady Spikers para ilusot ang finals meeting kontra isa pang higanteng Ateneo Lady Eagles.

Inaasahan na magiging mahigpit ang labanan ng dalawa sa unang game pa lang lalo’t matagal nang walang panalo ang mga tigre kontra agila.

Pagdating ng laro, nilapa ng España-based volleybelles ang Ateneo dahil sa kabayanihan ng tubong Samar na si Bicar.

Sa Game 1, naglista ng 19 excellent set si Bicar, pinadali ang buhay para sa kanyang dalawang ace spiker na sina Rondina at Laure.

Dahil sa sunod-sunod na magandang pakita, nakaboto na ang UAAP community.
Anuman ang mangyari, Bicar para Finals MVP.

***
Kung may mga reaksyon o nais po kayong itanong tungkol sa anumang paksa, maaari po ninyo akong i-email sa raymarkpatriarca@gmail.com.