Abante Tonite Interactive

UNTV: Miller nagpasiklab ng 34; Milkmen kampeon

495

Pasabog si two-time Philippine Basketball Association Most Valuable Player Willie Miller ng 34 points upang makapaghimagsik ang Alaska Milk sa prelims tormentor, tinagpas pa ang four-game winning run ng San Miguel Beer, 77-75, at magkampeon sa wakas nitong Lunes nang gabi ng UNTV Cup PBA Legends Faceoff sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Madulas at mapagpatawa pa rin sa edad na 41, may 4 assists at 3 rebounds pa si Miller na niresbak ang Milkmen sa 76-61 loss sa Beermen sa preliminaries sa matinding pagbuwelta sa one-game winner-take-all game at isubi ang P1M top prize.

Nakakutsaba niya si PBA MVP Johnny Abarrientos na binangon ang AM sa maaga ng fourth period kung saan naghabol sila sa 60-52 down sa apat na koponan, isang buwang torneong binalangkas ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon. May 12 markers, 6 boards at 4 feeds si Abarrientos.

Nagposte naman si fourt-time MVP Alvin Patrimonio ng 16 pts. at 13 rebs. upang makapag-aklas sa final canto at magantihan din ang Barangay Ginebra San Miguel, 98-75, sa salpukan para sa third place trophy.

Pero ang pinakamalaking nanalo ay ang PBA Legends Foundation, Inc. na pinamumunuan ni former Crispa hotshot Atoy Co dahil sa natanggap na tax-free P2M prize, tampok ang P1M top purse mula sa organizer UNTV.

Pinahayag ni Razon Razon, sinamahan ng iba pang opisyal ng Breakthrough and Milestones Productions International-UNTV gaya ni Gerry Panghulan, na gagamitin ang P2M ng mga dating PBA p­layers na may karamdaman o nanga-ngailangan ng pinansiyal na tulong.