Abante Tonite
Mabilis sa Balita

UP exec pahiya sa community pantry tweet, nagbitiw

0 277

Biglang nagbitiw sa kanyang puwesto ang isang opisyal ng University of the Philippines (UP) matapos ulanin ng mga basher dahil sa tweet niyang sinisisi pa ang community pantry sa pagkamatay ng isang senior citizen.

Inanunsyo ng UP ang pagbibitiw ni Dr. Teodoro Herbosa bilang executive vice president, na epektibo kaagad dahil umano sa “personal reasons”. Tinanggap naman ito ni UP president Danilo Concepcion.

Umupo bilang EVP ng UP si Herbosa noong 2017, sabay sa umpisa ng administrasyon ni Concepcion sa pamantasan.

Ginawa nang private ni Herbosa ang kanyang Twitter account matapos ang kontrobersiyal niyang tweet na “`Death by community pantry.’ I told you so!” (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.