Abante Tonite
Mabilis sa Balita

UP frat binaboy mga babae

0 1,304

Iniimbestigahan na ng University of the Philippines Visayas ang kumalat na screensot sa social media mula sa group chat ng ilang miyembro umano ng fraternity tadtad ng mga nude photo at mahahalay na pag-uusap hinggil sa kababaihan.

Ayon sa Office of the Chancellor ng UP Visayas, kinokondena ng administrasyon ng UP Visayas ang pangyayari at aaksyon ito para masiguro ang kaparusahan ng mga sangkot.

Hunyo 26 nang ipaskil ng Twitter account ‘Manyaks of UPV’ ang ilang screenshot ng umano’y pag-uusap ng mga kasapi ng UP Visayas Scintilla Jvris fraternity. Makikita ang pagshe-share ng mga nude video at photo ng mga babae, ilan dito ay mga ex-girlfriend umano ng mga nasa group chat.

SM food to go Banner Ad

Binansagan ding ‘snowflakes’ ang mga bakla, at pinag-usapan nang malaswa ang kanilang sister sorority, mga senior high school student at profile picture ng babae na tinawag pang ‘window shopping’.

Nanawagan ang UP Visayas sa mga biktima na dumulog sa Anti-Sexual Harassment Office ng Pamantasan o sa Office of the Student Affairs para sa imbestigasyon at maparusahan ang mga salarin.

Sa pahayag ng UP Scintilla Juris Fraternity, na kumakalap na ito ng impormasyon tungkol sa nakababahala at nakahihiyang pangyayari ng ikinasangkot ng ilang miyembro nito.“We DO NOT tolerate misogyny, sexual harassment, and homophobia,” bahagi ng kanilang statement. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.