Abante Tonite Interactive

UP fratman nagbigti

2,132

Patay na nang matagpuan ang isang 22-anyos na lalaking ­estudyante ng University of the ­Philippines (UP) matapos itong ­makitang nakabigti sa loob ng ­kanyang kuwarto ­gamit ang isang karate belt na itinali sa ­kanyang leeg at ang kabilang dulo ay ­ipinulupot sa hawakan ng cabinet Sabado ng hapon sa Marikina City.

Napag-alaman na ang biktima ay anak ng isang government official.

Samantala, pumirma na ng ­waiver ang mga magulang ng ­biktima na hindi na ­paiimbestigahan sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang nasabing insidente.

Mabilis namang ­nagpalabas ng official statement ang ­University of the ­Philippines-Diliman ­kahpon ­Setyembre 29 kung saan ­kinumpirma ni UP Diliman ­Chancellor Michael Tan na isang miyembro ng ­Sigma Rho fraternity ang namatay. ­Gayunman, hindi nito tinukoy ang pangalan ng biktima.

Nakiusap din ito sa publiko na ­itigil na ang pag-post at ­pagpapakalat sa social media ng insidente.

“I appeal to all students, ­faculty and staff, as well as other concerned parties in and out of UP Diliman, to stop posting and forwarding ­social media messages related to the death of one of the Sigma Rho Fraternity members implicated in last week’s online exposé of the fraternity’s ­hazing,” sabi ni Tan.

“Let us do this out of sense of ­decency and respect for the ­privacy of the family,” dagdag pa ng UP ­Diliman chancellor.

Magugunita na nag-leak ­online ang screenshot ng umano’y ­pag-uusap ng mga miyembro ng ­Sigma Rho ­fraternity kaugnay ng hazing ritual. May kasama din larawan ng paddle o pamalo na ­kahoy na ginagamit sa hazing at ­picture ng isang lalaki na ­nakaputing t-shirt na puro pasa sa mukha at braso.

“Administrative action was ­initially initiated immediately ­after the hazing exposé, towards the ­pursuit of ­justice for the hazing ­victims, and we will keep the ­public updated on these ­cases,” sabi said Tan.

Hiniling din ng UP Diliman chancellor na huwag idaan sa ‘sensatio­nalism’ ang kontrobersya sa hazing.

“Sensationalism is itself a form of violent assault and is not the ­solution to the fraternity culture of violence,” pahayag pa ng opisyal. ­(Edwin Balasa/Vicky Aquino)