Abante Tonite
Mabilis sa Balita

UP Mindanao pumalag sa red-tagging

0 78

Nagpahayag ng pagkabahala ang pamunuan ng University of the Philippines (UP) sa Mindanao kaugnay sa ilang social media post na nagsasabing ginagamit umano ng mga rebeldeng komunista ang kanilang campus para mag-recruit.

Binigyang-diin ng UP Mindanao na nagdudulot ang naturang parantang ng pangha-harass sa kanilang mga estudyante at mga staff.

“We express grave concern over a recent post from an alumnus on social media about the alleged NPA (New People’s Army) recruitment in the UP Mindanao campus, which has affected the UP Mindanao community,” sabi ni Chancellor Lyre Anni Murao sa isang pahayag.

Tinukoy niya ang isang Choyax Cagape na sinabing alumnus diumano ng UP Mindanao sa isang ulat noong Mayo 19 na kinumpirma umanong may NPA recruitment sa naturang unibersidad.

Ayon kay Murao, gagawa ng legal na aksyon ang UP Mindanao kung kinakailangan upang protektahan ang kapakanan ng kanilang paaralan lalo na ang mga estudyante.

Leave A Reply

Your email address will not be published.