Abante Tonite Interactive

UP nagparaya sa mga Coronavirus patient

0 330

Gamit na gamit ngayon ang training venue ng UP Pep squad at women’s basketball team sa Diliman, Quezon City.

Pero hindi dahil sa kanilang pag-eensayo kundi sa pag-alay ng lugar para sa mga nasalanta ng coronavirus disease 2019 matapos itong gawing isolation facility.

Ang nasabing gym at ‘Kalinga Center of the College of Human Kinetics’ ay ginagamit rin ng Peyups sa ilang okasyon.

Imbes na hard court at matt para sa practice ng cheerdance – tents, mattresses at beddings ang nakalatag sa kasalukuyan dito upang gamitin ng mga pasyenteng nagpapagaling sa pandemic COVID-19.

Sinamantala naman ng UP ang suspensyon ng mga klase nang maglungsad muna ng tulong sa mha biktima ng global outbreak.

“Wala pa namang face-to-face classes so we saw fit that one of the facilities be transformed to an isolation facility,” saad ng UP CHK at UAAP board of managing director member Kiko Diaz. (Aivan Denzel Episcope)

Tonite – Wendys Inhouse Ad