Abante Tonite
Mabilis sa Balita

UP pala ang kalaban-Luis

0 740

Binasag ni Luis Manzano ang statement ni Presidential Spokesman Harry Roque tungkol sa panalo natin sa prediction ng University of the Philippines sa COVID-19

Binati ni Roque ang Pilipinas dahil mali ang calculation ng UP na aabot umano ng 40 thousand cases ng coronavirus ang bansa sa pagtatapos ng Hunyo.

“Panalo na pala tayo! We beat the UP prediction po! We beat it! Congratulations, Philippines,” deklara niya.

Ni- retweeted ni Luis ang statement ng Palace official at ang reaction niya ay “Akala ko the whole time COVID ang kalaban, UP pala! Congratulations!!”

OPM, PAMI, SENTRO umapela sa Kamara

Hiniling sa mga mambabatas ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM), Professional Artists Managers, Inc. (PAMI) at ng labor center na Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (Sentro) na isipin ang kabuhayan ng mga apektadong manggagawa at bigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN sa naganap na pagdinig sa Kamara noong Martes (Hunyo 30).

Sinabi ni OPM president Ogie Alcasid na nakikiisa ang grupo sa hiling ng ABS-CBN na mabigyan itong muli ng prangkisa .

“Naniniwala po kami na napakalaki po ng naitulong at maitutulong pa ng kanilang music platforms upang matulungan po ang ating mga local singers at songwriters na maipalabas at maiparinig ang kanilang created content tulad ng kanilang mga awitin at ang kanila pong performances,” ani Ogie.

Humiling din sa Kamara ang pangulo ng Professional Artist Managers, Inc. (PAMI) na si June Rufino na ikunsidera ang kabuhayan ng mga miyembro at pamilya ng kanilang grupo.

“It is our humble plea to the honorable franchise committee to find it in your hearts and consciousness the future of over 5,000 families who are dependent and hopeful for your affirmative decision on the franchise renewal of ABS-CBN,” sabi ni June.

“Without the production employment from ABS-CBN, a significant number of taxpaying Filipino artists will be burdened by their subsequent loss of income,” dagdag niya.

Ibinahagi naman ni Cory Vidanes, ang COO for broadcast ng kumpanya, kung paano sumusuporta ang mga manggagawa nito para sa laban tungo sa bagong prangkisa sa kabila ng kanilang takot na mawalan ng trabaho.

“Ang mga Kapamilya namin ay puno ng pangamba at takot para sa kinabukasan nila at ng kanilang pamilya. Pero patuloy po sila na nagdadasal, sumusuporta, at umaasa na marenew ang aming franchise para po makasigurado sa kinabukasan ng kanilang mga pamilya at para po makapagpatuloy kaming magserbisyo sa mga Pilipino sa pamamagitan ng aming mga programang nagbibigay impormasyon, edukasyon, inspirasyon, pag-asa, at saya,” aniya.

Samantala, iminungkahi ng Sentro na maglagay ng pro-worker provisions sa bagong prangkisa ng ABS-CBN .Ibinahagi nito na hindi makatao ang kasalukuyang pangamba ng mga manggagawa nito na mawalan ng trabaho.

Leave A Reply

Your email address will not be published.