Abante Tonite Interactive

UP vs. Ateneo sa Bonanza semis

95

Dinomina ni top seed Sarah Joy Barredo si Jochelle Alvarez 21-13, 21-14 para hamunin sa semifinals ang kapwa-PBA Smash Pilipinas bet na si Angelique Ramos sa Open women’s singles ng Bingo Bonanza National Open Badminton Tournament sa CW Home Depot sa Ortigas kahapon.

Minadali ni Barredo ang match na inabot lang ng 30 minutes at dumikit ng dalawang panalo na lang para mapanatili ang korona.

Kinalos ni Ramos si Mika Aquino 21-16, 21-15 sa isa pang quarters duel.

Sa lower half ng draw, tuloy ang ratsada nina Malvinne Alcala ng UP at Bianca Carlos ng Ateneo para mapuwersa rin ang showdown para sa isa pang final slot ng P1.5 million championship na suportado ng Victor PCOME at SM Megamall, Smash Pilipinas at POC.

Sinipa ni Alcala si Jellene De Vera 21-10, 21-12, pinag-impake ng ex-national champion Carlos si Mikaela Joy De Guzman 21-19, 21-10.