Abante Tonite Interactive

UPH star Imbo tatasahan sa F2

207

STANDINGS W L
Petron 8 0
F2 Logistics 7 1
Cignal 5 4
PLDT Home Fibr 5 4
United VC 4 4
Sta. Lucia 2 6
Generika-Ayala 2 7
Foton 1 8

Mga laro ngayon:
(Alonte Sports
Arena-Biñan)
4:00 p.m. – PLDT vs F2 Logistics
6:00 p.m. – Cignal vs Petron

Sa pamamagitan ng quartet nina Lindsay Stalzer, Becky Perry, Ara Galang at Majoy Baron, nais ng last year’s runner-up F2 Logistics na ipagpatuloy ang winning streak pagharap sa PLDT Home FIBR sa 7th Philippine Superliga 2019 Grand Prix elims sa Alonte Sports Arena, Biñan City.

Pagkayuko sa defending champion Petron, humarurot ng dalawang sunod na panalo ang Cargo Movers upang ilista ang 7-1 karta at kapitan ang second spot sa team standings.

Magsisimula ang bakbakan ng F2 Logistics at nasa pang-apat na PLDT (5-4) sa alas-kuwatro ng hapon sa event na suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

Kina imports Stalzer at Perry kasama sina locals Galang at Baron sasandal ang Cargo Movers kung saan matatasahan din si dating University of Perpetual Help star Cindy Imbo para palitan ang may injury na si Kim Kianna Dy.

“Cindy will start playing with us against PLDT on Sa­turday,” saad ni F2 Logistics team manager Hollie Reyes.

Samantala, magkakaldagan sa alas-sais ng gabi ang lider na Blaze Spikers (8-0) at kasalo sa terserang Cignal (5-4).