Abante Tonite Interactive

Urban Gardening: Ating subukan

By
385

Sa bilis ng buhay at pag-ikot ng oras sa siyudad, lahat ng pagkain ay binibili, lahat ng tao ay busy. Ang katwiran ng marami, walang oras magtanim at walang mapagtatanimang lupa.

Sa mga ‘house wife’ at ‘house band’ bakit hindi ninyo subukan ang ‘urban gardening’ na hindi naman kailangan ng malawak na lupain para makatikim ka ng sariwang gulay tulad ng pechay, lettuce, kamatis, sili, sitaw, ampalaya at iba pa.

Nakatitiyak pa kayo na organic at walang kemikal ang makakain ninyong sariwang gulay na kayo mismo ang nagtanim.

Para sa mga mister at misis, siguro ay hindi ninyo alam ang gagawin dahil napapaligiran kayo ng mga sementadong bahay at gusali, huwag mag-alala, maaari ninyo itong gawin.

Sa aking maliit na lugar sa Quezon City ako nag-try matapos akong mahikayat ng ­aking kapwa mamamahayag na si Pareng Mer Layson at Pareng Domeng Villanueva at ilang kapitbahay na nakapagtanim ng mga sariwang gulay sa terrace sa ikala­wang palapag ng kanilang bahay at sa roof top sa ikatlong palapag.

garden-1Mga Paghahanda:

*1.5 plastic bottles ng mga nainom na soft drinks, depende kung ilan ang gusto ninyong gawing tanim

*Seeds (buto)

*Baldeng punlaan/container na sira

*Alambre

Ang mga nabanggit na materyales ay hindi binili kundi ini-recycle ko lamang. Inuna kong gawin ay kumuha ng garden soil, butasan ang balde o kahit na container na sira.

Hatiin sa gitna at butasan ang ilalim at saka ko inilagay ang lupa, kasunod ay ibinudbod ko ang mga buto ng pechay at lettuce o kahit na ano pang buto na gusto ninyong itanim.

Makalipas ang ilang araw, sisibol na ang mga dahon ng itinanim mong buto. Dito mo na nga­yon kailangan ang mga itinabi mong 1.5 o kahit 2 liters soft drink bottles.

Kinakailangan na butasan ito ng kalahati para mai­lagay mo ang garden soil, butasan sa ilalim sa pamamagitan ng alambreng pinainit para hindi naman malunod ang tanim kapag

Iba’t ibang punla na nakatanim sa mga recycled na plastic bottles sa aming veranda.
Iba’t ibang punla na nakatanim sa mga recycled na plastic bottles sa aming veranda.

diniligan.

Kasunod nito, talian ng alambre ang magkabilang dulo ng bote para maisabit sa pader ng sunud-sunod at ilipat ang mga tumubong ‘punla’ ng itinanim na buto.

Lagyan ng isa o dalawang punla ang kada bote ng soft drinks, ­hindi kinakailangang maraming ­punla dahil mag-aagawan sila sa ­lupa sa sandaling lumaki ang mga tanim na gulay.

Sa loob ng 40-araw, presto, hindi mo na kailangang ­bumili ng pechay para sa luluting nilaga at iba pang putahe na pangunahin itong sangkap. Hindi ka na rin kailangang bumili ng lettuce na ­puwede mong gawing salad.

Kung nagawa mo naman makapagtanim ng sili at kamatis, pipitasin mo na rin lang ito sa iyong bakuran.

Ready to harvest --- Ang mga pananim ng isa sa aking mentor sa pagtatanim na si Mer Layson na maaari nang anihin para kainin. (Photo by Mer Layson)
Ready to harvest — Ang mga pananim ng isa sa aking mentor sa pagtatanim na si Mer Layson na maaari nang anihin para kainin. (Photo by Mer Layson)

Hindi imposible ang makapagtanim ng ampalaya at patola kahit sa inyong sementadong bakuran, nasa sistema lang ‘yan at pamamaraan ng paggawa ng mga ‘balag’.

Maaaring pag­taniman ang pudpod nang gulong ng sasakyan, lagyan ng ­lupa at pagpatung-­patungin, tukuran ng ginawang balag para sa inyong ampalaya, sitaw at patola.

Mga ka-“peeps”, tunay na stress relie­ver ang urban garde­ning, bakit hindi ninyo subukan?

Malay ninyo, tulad ko at tulad ng iba pa na nag-try mag-urban garde­ning, makakain na rin kayo ng sariwang gulay galing sa inyong ‘improvised garden’.