Abante Tonite
Mabilis sa Balita

US Ambassador Kim nagpaalam na

0 71

Nagpaalam na kay Pangulong Rodrigo Duterte si United States Ambassador to the Philippines Sung Kim nitong Lunes sa Malago Clubhouse sa Malacañang.

Natapos na ang tour of duty ni Kim sa bansa kaya kinakailangan na nitong bumalik sa Amerika.
December 1, 2016 nagsimula ang posting ni Ambassador Kim sa Pilipinas.

Ginawaran ng Pangulo si Ambassador Kim ng Order of Sikatuna dahil sa kanyang “exceptional at meritorious ” na serbisyo sa Pilipinas.

Ang Order of Sikatuna ay ibinibigay ng gobyerno sa mga diplomat, opisyal at mamamayan ng ibang bansa na nag-alay ng kanilang serbisyo at naging instrumento sa pagpapatatag sa relasyon ng kanilang bansa at ng Pilipinas.

“Ang US pala. Si Kim is out,” ang pahapyaw na pahayag ng Presidente sa kanyang talumpati.
Wala pang anunsiyo kung sino ang susunod na magiging US Ambassador to the Philippines.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.