Abante Tonite
Mabilis sa Balita

US, China game makatrabaho si Marcos Jr

0 43

Handa ang pamahalaan ng Amerika at China na makatrabaho ang bagong administrasyon ng bansa para sa muling pagbuhay ng magandang relasyon sa Pilipinas.

Ayon kay US State Department spokesperson Ned Price, nagbabantay sila sa magiging resulta ng bilangan sa halalan baga-ma’t wala silang nakikitang iregularidad at nasusunod naman ang international standards sa canvassing ng mga boto.

Positibo rin ang Amerka na matutuloy ang samahan nila ng Pilipinas lalo sa pagsusulong ng usapin sa karapatang-pantao.

Samantala, umaasa rin si Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian na magpapatuloy ang magandang relasyon sa pagitan ng China at Pilipinas na sinimulan nina Chinese President Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte.

Nangako rin siya na makikipagtulungan ang China sa pagpapaigting ng pakikipagkaibigan sa Pilipinas at sa muli nitong pagbangon matapos ang pandemya para sa kapakinabangan ng Pilipinas at China. (Damien Catada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.