Abante Tonite Interactive

US commander sa VFA termination: Mga terorista masaya

0 558

Nagbabala ang isang mataas na opisyal ng hukbong sandatahan ng Amerika na mapi­pilayan ang giyera kontra te­rorismo sa Mindanao matapos ikansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Kabaliktaran ito sa naunang pahayag ni US President Do­nald Trump na wala siyang pakialam kung ikansela ang VFA at sinabi pang makakatipid sila ng malaking halaga.

Sabi ni Admiral Philip Davidson, ang top military officer ng US sa Asia-Pacific, umaasa siyang muling pag-isipan ni Pangulong Duterte ang desisyon nitong ibasura na ang VFA.

May 180 araw pa aniya bago tuluyang magwakas ang VFA batay sa abiso ng pamahalaan ng Pilipinas kung kaya’t mayroon pang panahon para sa usapang diplomatiko.

Giit ni Davidson na malaki ang magiging epekto ng pagbasura ng VFA sa military operation laban sa mga teroristang grupo sa Mindanao.
Kabilang sa mga grupong ito ang Bangsamoro Isla­mic Freedom Fighters at Abu Say­yaf.