Abante Tonite Interactive

US date ng ArDub sampal sa AlDub

0 343

tonite-pak-allan-diones

Sa pag-amin ng LizQuen ay official na ang tatlong sikat na loveteams sa showbiz.

Pinakaunang umamin ang JaDine, followed by KathNiel at pangatlo ang LizQuen. Ang AlDub na for a time ay naging pinakasikat na loveteam sa Pilipinas ay hindi nauwi sa totohanang relasyon.

Ang dating phenomenal na AlDub love team na nagawang talbugan maging ang pinakasikat na tambalan sa bansa ay nawaley na at may sarili nang personal na buhay si Maine Mendoza.

Pumapag-ibig si Maine sa piling ni Arjo Atayde. So, after JaDine, KathNiel at LizQuen, ang next na hinihintay na umamin ay hindi ang AlDub kundi ang ArDub couple nina Arjo at Maine.

Actually, ‘yung ginawang pag-amin ni Arjo na exclusively dating sila ni Maine ay sapat na para sabihing sila na. Obvious naman ‘yon sa dalas nilang makitang na magkasama.

At ayun na nga, after mag-post ni Arjo sa IG ng black & white pic niya na may caption na, “(8 ball emoji) says yes,” na ang paniwala ng mga netizen ay nangangahulugang sinagot na siya ni Maine, nagkita at nag-date ang dalawa sa abroad.

Base sa IG Story ni Arjo ay best and last stop niya si Maine, na abot-tenga ang ngiti sa kanilang dinner date.

As in unti-unti nang nagiging out and proud ang ArDub. Isang malaking sampal ito sa AlDub at Maine fanatics na patuloy na naniniwalang ‘stalker’ lang ni Maine si Arjo at panay edited ang photos nila together.

Ang dami pa rin kasing mga in denial na mga fan kahit ayan at naghuhumiyaw na ang katotohanan na sina Arjo at Maine na talaga at masaya sila sa isa’t isa.

Abang-abang na lang kung kailan maglalakas-loob si Maine na umamin. Kita naman sa kanyang happy siya with Arjo, so para saan ba’t magiging open din ‘yan sa relasyon nila.

Mas masarap naman kasi talaga sa pakiramdam ‘yung open at walang itinatago… hindi ba, JaDine, KathNiel at LizQuen?!

PAK!!!
***

LizQuen patatalsikin sa trono ang KathNiel

Kahit obvious namang noon pa may relas­yon sina Liza Soberano at Enrique Gil, kinilig pa rin ang mga LizQuen fan sa ginawang pag-amin ng dalawa sa “GGV.”

May mga kiyemeng na-shock kahit halata namang matagal nang mag-on ang LizQuen at meron ding dedma lang dahil may pino-promote daw na Valentine movie ang dalawa.

Actually, parang napasubo lang si Quen sa pag-“Yes!” nito kay Vice Ganda sa “Kuryentanong” segment kung sila na ni Liza, pero mukhang naka­hinga na rin ang dalawa na finally ay naging open na sila.

Si Liza ay kita mong inlabey talaga kay Quen at nang ito ang tanungin ni Vice kung matagal na sila, hindi na ito nagpa-girl pa at mabilis na sumagot ng, “Define matagal.”

More than two years na raw sila, so puwedeng tatlo o apat na taon na silang magsyota. Last October ay nag-celebrate ng anniversary ang LizQuen, pero hindi pa nila ito maamin nang diretso sa mga IG post nila.

Naalala namin na August last year nang mapaamin namin ang KathNiel sa presscon ng “The Hows of Us,” na more than 5 years na ang kanilang relasyon.

Matapos ang pag-amin na ‘yon ng Kath­Niel ay nanalasa sa takil­ya ang “The Hows of Us” at nagtala ng record as the highest-grossing Filipino movie ever (P800M worldwide, pero ayon sa Wikipedia ay umabot na ng P1B ang total gross nito worldwide as of February 8, 2019).

Mukhang nagtipid ang Va­lentine movie ng Black Sheep at wala itong big presscon, so doon na lang sa “GGV” naganap ang pag-amin ng LizQuen.

Ang tanong, ma-duplicate kaya ng LizQuen ang nagawang box-office feat ng KathNiel?

Ang highest-grossing LizQuen movie na “My Exs and Whys” ay mahigit P400M ang worldwide gross nu’ng 2017.

So, kailangan ng doble nu’ng kita na ‘yon para makapantay man lang sila sa record ng KathNiel.

Keri kayang achibin ‘yon ng LizQuen ngayong inamin na nila sa publiko na magsyota na sila?!

Good luck!
***

Armida pumanaw na

After sumakabilang-buhay ng 93-year-old mother ni Joey de Leon na si Mama Emma de Leon nu’ng Linggo nang gabi, usap-usapan naman kahapon sa mga taga-showbiz ang pagpanaw ng beteranang industry leader na si Ms. Armida “Tita Midz” Siguion-Reyna.

Si Tita Midz ay isang kilalang aktres, singer, TV and movie producer, na na­ging chairperson ng MTRCB nu’ng panahon ni Presidente Erap Estrada.

Isa sa mga naiwan niyang anak ay ang premyadong direktor na si Carlitos Siguion-Reyna, mister ng actress-writer-director na si Bibeth Orteza at ama ng singer-actor na si Rafa Siguion-Reyna.

Ang multi-awarded musical show noon ni Tita Midz na “Aawitan Kita” ay naging isa sa the longest-running TV shows sa bansa.

Ayon sa Wikipedia ay November 4, 1930 ipinanganak si Tita Midz kaya 88-­anyos siya.

Ang huli naming narinig tungkol kay Tita Midz ay nasa ICU siya.

Although kumpirmado na ang balita, wala pang detalye tungkol sa pagkamatay ng nire­respetong showbiz veteran.

Hintayin na lang natin ang opisyal na announcement mula sa pamilya ngayong araw na ito.

Nakikiramay ang Abante TONITE sa lahat ng naulila ni Ms. Armida Siguion-Reyna.

Rest in peace po, Tita Midz…