Abante Tonite Interactive

US docu sa ‘drug campaign’ pinalagan ng Palasyo

240

Mapanirang puri, biased at walang basehan umano ang nilalaman ng American documentary film na may titulong ‘On the President’s Orders’ na naglalarawan umano sa drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The Palace is vexed by the continuous spread of disinformation against our country’s campaign against illegal drugs and crimina­lity,” ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa isang statement.

Ayon sa chief presidential legal counsel, ang docufilm ang pinakahuling nadagdag sa ‘unmitigated vilifications’ laban sa gob­yerno na tadtad ng “ma­lice making it appear that the drug-related deaths were dine upon the orders of PPRD.”

Hinimok ni Panelo ang mga manonood na lawakan ang pag-iisip at arukin ang katotohanan ng nasabing palabas. “ The docufilm, together with its so-called cinematic investigation on drug-related deaths, evidently has been deliberately overdramatized for the purpose, apart from putting the Philippines in a bad light, of creating a better cinematic experience for its audience.”

(Prince Golez)