Abante Tonite
Mabilis sa Balita

US drug firm nag-alok ng COVID bakuna

0 68

Kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) na nag-alok sa gobyerno ang isang pharmaceutical firm sa Amerika para sa suppy ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ibinigay ng Pfizer ang kanilang proposal kina Health Secretary Francisco Duque III at Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato de la Peña sa isang pagpupulong noong Biyernes.

Nabatid na inaayos pa umano ng magkabilang panig ang kasunduan hinggil dito kung kaya’t itinuturing muna ito na confidential.

“Once this is finalized, we will be discussing the arrangement with them,” sabi ni Vergeire. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.