Abante Tonite Interactive

US Embassy hihingan ng paliwanag sa kidnapping list

560

By Dolly Cabreza

Pinalagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang United States (US) Department makaraang isama nito ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang itinuturing na “high kidnapping risk”.

Binigyang-diin ni Año, walang dahilan upang maalarma ang mga banyaga sa bansa dahil bumaba na ito at bilang katunayan ang datos ng Philippine National Police (PNP), ay 68 na kaso na lamang ng kidnapping ang naitala sa Pilipinas noong 2018, mas mababa ng 11 kaso noong 2017, habang 11 kaso naman ang naitala ngayong taon.

Kamakailan ay isinama ng US State Department ang Pilipinas sa 35 bansa, kasama ang Iraq, Afghanis­tan, Pakistan, maging ang Malaysia at Russia na sinasabing may “high kidnapping risk” at pinayuhan ang mga Amerikano na mag-ingat at maging alerto sa kanilang pagbiyahe sa mga nasabing lugar.

Sabi ni Año hihingin nila sa US Embassy kung ano ang mga naging batayan ng naturang listahan ga­yong wala silang nakikitang dahilan para mapabilas ang Pilipinas sa “high kidnapping risk”.