Abante Tonite Interactive

US Embassy sarado bukas

By
11

Walang transaksiyon ang tanggapan ng embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas bukas, Setyembre 4.

Sa advisory ng US Embassy sa kanilang website at iba pang social media pages, inabiso na rin nito na sarado ang kanilang tanggapan gayundin ng kanilang affiliated offices upang bigyang-daan ang paggunita sa Labor Day, na isang American holiday.

Inaasahan namang muling magbubukas ang kanilang tanggapan upang makapagbigay ng serbisyo sa Martes, Setyembre 5.