Abante Tonite Interactive

US Embassy sarado sa Lunes

By
0 137

Walang transaksiyon ang tanggapan ng United States (US) Embassy sa Roxas Boulevard, Ermita, Maynila, gayundin ang mga affiliated offices nito sa Lunes, Nobyembre 12, 2018.

Nabatid na sarado ang Embahada bilang pakikiisa sa Veteran’s Day, na isang American Holiday at ginugunita tuwing Nobyembre 11 upang parangalan ang mga military veterans at bilang paggunita na rin sa pagtatapos ng World War I.

Ayon sa abiso ng embahada sa kanilang website, sinabi nito na magbabalik ang kanilang regular na serbisyo sa Martes, Nobyembre 13.