Abante Tonite
Mabilis sa Balita

US nabahala sa data security ng China undersea cable plan

0 414

BINALAAN ng isang inter-governmental team ng Estados Unidos ang planong data security sa undersea cable connection sa pagitan ng US at Hong Kong.

Kaugnay nito ay pinababasura ng US Committee for the Assessment of Foreign Participation in the United States Telecommunications Services Sector sa Federal Communications Commission (FCC) ang bahagi ng undersea cable proposal ng Pacific Light Cable Network (PLCN), isang Chinese firm, na magdurugtong sa US at Hong Kong.

Ang US committee na tinatawag ding Team Telecom ay binubuo ng Department of Homeland Security (DOH) at ng Department of Defense (DOD) sa pangunguna ng Department of Justice’s National Security Division, Foreign Investment Review Section.

Noong June 17 ay inirekomenda ng Team Telecom ang partikular na pagbasura sa US-Hong Kong undersea cable connection sa gitna ng pangamba ng digital at technology security threat at ng umiigting na alitan sa pagitan ng Trump administration at China.

Sa kabila ng marahas na mga protesta para sa kalayaan na kumukubkob sa Hong Kong, naniniwala ang Team Telecom na walang magagawa ang Hong Kong kundi ang sumunod sa intelligence-gathering at surveillance orders ng China.

Ginawa ang rekomendasyon base sa pagtasa na ang submarine cables ay napakahalagang elemento ng global communications critical infrastructure, na nagdadala ng karamihan sa world’s internet, voice, at data traffic sa pagitan ng mga kontinente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.