Abante Tonite
Mabilis sa Balita

US nagbigay ng P48M armas, bala sa AFP

0 110

Nag-turn over ang United States government sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ng aabot sa P48.5 milyong halaga ng mga armas at bala para mapalakas ang kahandaan laban sa terorismo.

Ayon sa US Embassy, ang nasabing delivery ay bahagi ng grant assistance sa AFP. Kasama na rito ang 14 M2A1 .50 caliber heavy machine gun, pitong M240B machine gun at libo-libong mga bala.

Ang Pilipinas ang nananatiling nakakakuha ng pinakamalaking bulto ng US military assistance sa Indo-Pacific, ayon sa US Embassy.

Ang US ang pinakamalapit na defense partner ng Pilipinas, kahit na naging kaibigan ng bansa ang China at Russia na karibal ng Amerika. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.