Abante Tonite
Mabilis sa Balita

US nagbigay ng P710M spy drone

0 90

Natanggap na ng Philippine Navy (PN) ang walong drone na nagkakahalaga ng P710 milyon mula sa United States.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ibinigay ng mga opisyal ng US kay PN chief Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo sa isang seremonya sa Sangley Point, Cavite City nitong Miyerkoles, ang Insitu ScanEagle 2 unmanned aerial system na magsisilbi umanong eye in the sky para sa mas mahusay na pagpapatrolya sa karagatang sakop ng bansa. Maliban sa drone, kabilang sa package na binigay ng US ang dalawang launcher, isang skyhook at ground control station. Nauna nang nagbigay ang US ng P867 milyong missile sa bansa. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.