Abante Tonite Interactive

US nagpakawala ng missile sa Philippine Sea noong nakalipas na linggo

713

Sinubukan ng US Navy na magpakawala ng live-fire missile sa Philippine Sea noong nakalipas na linggo.

Ayon sa mga analysts , layunin ng naturang hakbang ng US Navy na hamunin ang China sa ginagawa nitong pagkamkam sa South China Sea.

Sinabi pa ng analyst na tinarget umano ng US Navy ang China sa kanilang live-fire missile tests sa Philippine sea at nagbibigay ito ng mensahe na hinahamon na ng US ,ang Chinese military new advanced systems.

Sa ginanap na drill sa dagat ,inilunsad ng guided-missile destroyer USS Barry, ang isang medium range Standard Missile-2, ng US Seventh Fleet .

Nabatid na inilunsad rin ng cruiser USS Shiloh ang SM-2 sa kasagsagan ng drill.

Nalaman na ang Philippines Sea ay hiwalay sa pinag aagawan na South China Sea, na inaangkin ng Pilipinas, Vietnam, Brunei, Malaysia at Taiwan.

Samantala, sinabi naman ni Beijing-based military specialist Zhou Chenming na ang ganitong uri ng drill ay hindi pangkaraniwan at nagsisilbing babala sa People’s Liberation Army.

“The US Navy is worried about Chinese missiles, which China could use as a trump card in a military conflict between the two parties in the region. The Seventh Fleet wants to warn Beijing that it can intercept missiles from China,”ayon kay Zhou.

Sinabi naman ni Li Jie, isa pang Beijing-based military analyst na naniniwala siya na ang pagpapakawala ng missile at isang mensahe sa China.

Gusto umanong sabihin ng US Navy sa China na kaya nilang i counter ang mga advance missile ng PLA.

Nabatid na ang PLA ay nakapagdebelop ng dalawang klase ng missile na umano’y malaking banta sa US Military at tinawag itong `carrier killer’ DF-21D at anti-ship DF-26, na may 4,000km (2,500-mile) range at kayang umabot sa US naval base sa Guam . (Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad