Abante Tonite Interactive

US Open, 14th Grand Slam hinambalos ni Novak Djokovic

By
0 256

NOONG isang taon, wala sa US Open si Novak Djokovic dahil katatapos lang sumalang sa operasyon para ayusin ang right elbow injury.

Bumalik siya nga­yong taon, parang walang nangyari.

Sa finale, naligtasan ni Djokovic si Juan Martin del Potro 6-3, 7-6 (4), 6-3 para itaas ang kanyang 14th grand slam title at pangalawang sunod na korona.

Halos makawala na kay Djokovic ang US Open final, sa isang yugto ay galit na sa sarili, sa kanyang team at sa crowd sa Flushing Meadows na halatang nasa likod ni Del Potro.

Pero nakabawi ang Serb, idinagdag ang titulo sa mga una niyang kinolekta sa New York noong 2011 at 2015.

Idagdag ang naisubi pa niyang anim na Australian Open, isang French Open at apat na Wimbledons – huli nito lang Hulyo – ay pinantayan ng 31-anyos na si Djokovic ang 14 na koleksiyon ni Pete Sampras. Ang dalawang may mas maraming ipon sa kanila ay sina Roger Federer (20) at Rafael Nadal (17).

“He’s my idol. Pete, I love you,” bulalas ni Djokovic.

Sa isang palitan ng palo sa second set na tumagal ng 20 minutes at tinampukan ng 22 points para sa mag­kabila, parang nagising si Djokovic.

Serve si Djokovic habang naiiwan 4-3, nagsagaran sila ni Del Potro sa eight deuces. Isang puntos na lang ang kailangan ni Del Potro para agawin ang save, pero tatlong beses siyang sinupalpal ni Djokovic para agawin ang game.

Tinapos ni Djokovic ang match sa three-game closing run, pagkatapos ay ibinalibag ang raketa at patiha­yang bumagsak sa court, nakadipa ang mga kamay at nakabukaka.