Abante Tonite Interactive

US submarine naispatan sa Palawan

136

­Ipinagmalaki ni Navy Flag Officer in Command Vice ­Admiral Robert Empedrad na may ­kakayahan na ang Philippine Navy na maka-detect ng mga submarine.

Ayon kay ­Empedrad, naka-detect ang BRP Conrado Yap, ng submarine nang ­bumiyahe ito sa Palawan, na kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Philippine Navy. Batay sa report, isang US submarine ang na-detect sa pamamagitan ng sonar ng BRP Conrado.

Ang BRP Conrado Yap na isang dating pohang-class corvette mula sa South Korea ang pinakamalakas na barko sa kasalukuyan ng Phi­lippine Navy, na ­dineliver noong August 2019.

Ayon Kay Empedrad `very challenging’ ang pag-detect ng mga submarine, at kung tatanggalin ang tubig sa dagat ay malamang na hindi bababa sa 50 ang mga submarine na makikitang umaaligid sa karagatan ng bansa.

Dahil sa bagong kapabilidad na ito ng Philippine Navy, kaila­ngang mag-develop ng mga bagong doktrina sa magiging aksyon ng Phil. Navy kapag maka-detect ng submarine. Makukumpleto na rin umano sa taong ito ang anti-submarine capabi­lity ng Philippine Navy.(Edwin Balasa)