Abante Tonite
Mabilis sa Balita

US, UK, Japan tinukuran `Pinas vs China

0 41

Nagpahayag ng suporta ang pamahalaan ng United States sa Pilipinas kaugnay ng insidente sa Ayungin Shoal kung saan itinaboy ng mga Chinese Coast Guard sa pamamagitan ng pambomba ng tubig ang dalawang supply boat ng bansa.

Sa isang pahayag kahapon, sinabi ni US State Department spokesperson Ned Price ang pakikiisa nila sa Pilipinas sa harap ng tumitinding tensiyon sa South China Sea na banta sa kaayusan at katahimikan ng rehiyon.

Ang ginawa aniya ng China ay paglabag sa freedom of navigation sa South China Sea na itinakda ng international law.

Tinawag pa ng US na iligal ang ginawa ng China.

Samantala, ipinahayag naman kahapon ng Japanese Embassy na mariin nitong kinokondena ang insidente sa Ayungin Shoal.

SM food to go Banner Ad

“Japan strongly opposes any unilateral attempts to change the status quo in the East and South China Seas,” ayon kay Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa.

Binigyang-diin ng Japanese ambassador na mahalagang sundin ang 2016 arbitral ruling at ang mapayapang pag-uusap sa alitan batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Nagpahayag din kahapon ng pangamba si United Kingdom Minister of State for Asia Amanda Milling sa naturang insidente.

Aniya, mahalagang sundin ang UNCLOS para maging panatag ang South China Sea.

Leave A Reply

Your email address will not be published.