Abante Tonite
Mabilis sa Balita

US university: Estudyante nagpahawa ng virus kapalit pera

0 219

Isang unibersidad sa United States ang nagsabing posibleng sinasadya ng ilang estudyante na mahawaan ng coronavirus para makapagbenta ng antibody plasma.

Sa ulat, sinabi ng Brigham Young University sa Idaho na iniimbestigahan na nila ang mga natanggap na impormasyon tungkol sa mga estudyanteng sinasadyang magkasakit para magkapera.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Plano ng pamunuan na suspendihin o ‘di kaya’y tuluyang i-expel ang mga estudyanteng mapapatunayang sinadya ang pagkakasakit.

“BYU-Idaho is deeply troubled by accounts of individuals who have intentionally exposed themselves or others to COVID-19, with the hope of getting the disease and being paid for plasma that contains COVID-19 antibodies,” pahayag ng eskuwelahan. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.