Abante Tonite
Mabilis sa Balita

US visa `di ko hinirit kay Digong – Bato

0 240

Itinanggi ni Senator Ronald `Bato’ dela Rosa na personal siyang humirit kay Pangulong Rodrigo Duterte para maibalik ang kanyang US visa.

Sinabi ito ng senador matapos nitong ihayag noong Miyerkoles na nag-alok ang US Embassy sa Maynila para iproseso ang pagbabalik ng kanyang visa na kinansela noong 2019.

“Hindi ko po kinausap si Presidente tungkol diyan na i-workout niya na maibalik. No. In fact, `yong nagalit siya about my visa, hindi ko siya tinawagan, nalaman lang niya sa balita na ganun nangyari, ganun ang naging reaksyon niya,” ani Dela Rosa sa online interview ng mga reporter.

Pero aminado si Dela Rosa na masaya siya at pasalamat din dahil nag-alok ang US Embassy na ayusin ang kanyang visa. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.