Abante Tonite Interactive

US$185.7M investment deal sa Singapore naisara ni Digong

By
1,079

Makakaasa ng mas magandang business climate sa Pilipinas ang mga negosyanteng interesadong maglagak ng puhunan sa bansa.

Ito ang tiniyak ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa mga negosyante sa Singapore matapos saksihan ang lagdaan ng ilang kasunduan sa pagnene­gosyo na umaabot sa US$185.7M na lilikha ng trabaho sa may 1,920 mga Pinoy.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na tinitiyak niyang mabibigyang proteksiyon ang mga dayuhan o lokal man na manggagawa sa bansa.

Hindi rin aniya mahihirapan ang mga nais magnegosyo sa pag-asikaso sa kanilang mga papeles para magtayo ng negosyo.
Bibigyan aniya nito ng direktang number ang mga investor para makarating agad sa kanya ang kanilang mga concern sa pagnenegosyo.

“Is there corruption? Maybe in the past. But I assure you now that you will have an ease in doing business in the Philippines. I will provide you a number so that you will have access, that if you go into trouble, my aide will receive the message right away,” anang Pangulo.

Kapag aniya mayroong problema sa negosyo, tawagan agad siya lalo na kung may kinalaman ito sa korapsyon kahit anong oras maliban sa gabi.