Abante Tonite Interactive

Usad-pagong na trapiko, elevated EDSA subukan!

By
267

Ang sabi ng Malacañang pagbigyan muna ang panukala ng MMDA na ipagbawal ang nag-iisang lulan ng sasakyan o kotse na dumaan sa EDSA kung rush hour o pagitan ng 6am hanggang 9am Lunes hanggang Biyernes.

Ang sabi ng MMDA at Metro Manila Council ay rerepasuhin ang panukalang itong naglalayong mabawasan ang sasakyan sa EDSA nga.

Ang sabi naman ng mga motorista, kalokohan ang naturang panukala dahil anila, kaya nga sila bumili ng sariling sasakyan ay upang komportable silang magbibyahe papasok sa opisina kahit na usad-pagong ang daloy ng trapiko sa EDSA.

Abante Hiring – IT dep

Saganang atin, parehong may tama ang lahat ng kinauukulan sa isyung ito.

Kung pansamantala lang naman o experimental ang programang ito, bakit nga naman ‘di pagbigyan at nang magkaalaman.

Tiyaga muna sa makikipot na daan tayong mga motorista at nang magkaalaman kung epektibo nga ito o hindi.

Kung hindi, aba’y muling ibalik ang inherent right ng mga motorista na gumamit ng alinmang lansangan sa ‘Pinas dahil taon-taon binabayaran ng mga motorista ang paggamit ng pampublikong lansangan sa pamamagitan ng car registration sa LTO.

Short term ang panukalang ito ng MMDA.

Through the years 10 folds o higit pang mga sasakyan ang naidagdag sa ating mga lansangan.

Kaya natural lamang na bumagal ang daloy trapiko.

Isa na riyan ang number coding na naisipan din ng MMDA upang maibsan ang nakakahilong trapiko sa EDSA at sa iba pang mga kalye.

Sa punto de vista ng Motorista, ang long term na solusyon dito ay ang isang elevated EDSA.

Gaya sa Thailand, naibsan nila ang trapiko sa pamamagitan nang pagpagawa ng ilang elevated expressways.

Isa na riyan ay mismong tumatahak sa airport papuntang kalagitnaan ng siyudad ng Bangkok.

Elevated EDSA lang ang nakikitang solusyong pangmatagalan sa hindi mareso-resolbang problemang trapiko sa EDSA na binansagan na ring