Abante Tonite Interactive

Usapang bra at panty

Tamang pamamaraan ng paglalaba ng panty o underwear

By
648

Mas maiging labhan ito gamit ang kamay upang hindi agad ma­ging lawlaw.

Una’y banlawang mabuti, sabunan, kusutin nang mara­han at banlawan ng dalawa o tatlong beses.

Mas magandang patuyuin ito sa araw para mapatay ang anumang bacteria na kumapit sa tela.

Kung ayaw kusutin, puwedeng i-washing machine.

Ihiwalay lang ang mga lalabhang underwear sa mga damit. Importanteng sundin ito dahil sa pag-aaral ng isang professor of microbiology sa University of Ari­zona na si Dr. Charles Gerba, kapag naglalaba ng underwear sa washing machine ay naikakalat din nito ang 100 million na E. coli o mga mikrobyong naiiwan mula sa poop sa tubig na pinag­labahan.

Huwag isampay sa labas ng bahay ang mga panty lalo na kapag gabi. Maaari kasi itong dapuan at itlogan ng mga insekto na maaaring maging sanhi ng panga­ngati ng ari.

Sakaling ‘di naiwasang isuot ang panty na hindi nabilad sa araw, plantsahin ito para mamatay ang anumang kulisap, insekto o mga itlog nito (pero wag daanan ng plantsa sa parteng may garter para hindi ito lumawlaw).

Mga dapat tandaan:
Importanteng malabhan agad ang bra pagkatapos gamitin. May mga pagkakataon mang ulitin ito’y pinaka-maximum na ang tatlong gamit dito para palitan na at labhan.

Ang paulit-ulit namang pagsuot ng panty na ‘di nalalabhan ay maaring pagmulan ng mga sakit gaya ng pneumonia, urinary tract infection o UTI at impeksyon sa dugo.

Ito ay base na rin sa lumabas na pag-aaral na may natitirang 1/10 ng isang gramo na poop sa underwear matapos dumumi.