Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Usapang gulong

0 82

Palitin na ba gulong ng awto mo?

Sa mga beterano nang nagsasasakyan, hindi na ito masyadong concern dahil ‘ika nga sa pakiramdam pa lang sa sariling katawan sa tuwing bago sila sumampa sa mga minamaneho ay sigurado na nila na ang mga goma ay nasa matinong kondisyon, huwag lang mabubutas habang nasa biyahe.

Pero sa mga baguhan, malaking problema at abala pag nagkataon dahil napakarami sa kanila ang tropang sampa nang sampa na lang ‘ika nga.

Eto ang ilan sa mga simpleng tips para matantiya kung palitin ang mga goma ng inyong sasakyan, sipatin man o hindi sipatin ang mga ito.

1. Kapag brand new nabili ang sasakyan at hindi pa ito napa-flat kahit isang beses, tingnan ang milyahe. Kapag nasa 12k kilometers na pataas, sipatin na ang mga goma para matiyak kung pudpod na ang mga ito, lalo na kung naimamaneho sa malayuan.

2. Kung nataon sa change oil, (dahil nakasalang naman sa lifter ang sasakyan sa ganitong situwasyon) sipatin ang mga goma kung pantay ang pudpod at kung maari ay pagpalitin ng puwesto o i-rotate ang mga ito. Kadalasang ang rotation ay ililipat sa kaliwa sa kanan ang nasa kanan sa likuran and vice-versa.

3. Kung front-wheel drive ang sasakyan (ordinaryo ito sa sedan) tingnan kung pareho ang pudpod ng kanan at kaliwang gulong sa unahan. Kung ang isa ay mas pudpod kumpara sa kabila, ipa-tsek ang camber/caster alignment. Pero kung ang sasakyan ay hindi nalusong sa malalim na lubak o naaksidente, dapat na hindi mabago ang alignment mula nang ilabas ito sa casa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

4. Sa mga modified na mags- priority ang balanse ng mga goma kaya kapag nanginig ang manibela sa takpong 80kph pataas, patingnan agad ito lalo na kung kakapalit lang ng goma.

5. Sa pagpapalit ng gulong, bantayan ang nagkakabit at siguraduhing nasa tapat ng pito (pasukan ng hangin) ang pulang bilog na marka. Kapag hindi magkatapat ang dalawa, maraming tingga ang gagamitin sa balancing na ang ibig sabihin ay dagdag-gastos.

6. Kung segunda-manong gulong lang ang kaya ng badyet, tingnan muna ang expiration date sa pinupuntiryang kapalit, mas matanda, mas hindi dapat ikabit dahil mataas na ang posibilidad na ito ay lumutong at magdulot ng mas malaki pang problema.

7. Sa sukat ng ipapalit- Pinakasafe ang kapareho ng binaklas pero kung gustong maiba ang porma ay mas praktikal na mag high-profile kesa sa sa maglow-profile para hindi tumagtag ang ride ‘ika nga. Mas manipis na goma, mas reklamo si misis o dyowa dahil sa tagtag.

Ayan po, mga simpleng tips kung kayo ay nasa situwasyong kailangan nang magpalit ng goma para magkaroon ng ideya at hindi magsisi kalaunan.

Mag-canvass din po muna para matantiya ang badyet na ilalabas lalo na kung pagsasabayin ang pagpapalit sa apat na gulong.

Ayos ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.