Abante Tonite Interactive

Usapang kasu-kasuan

328

Dr. Rylan Flores

May bago kayong katuwang sa kalusugan, Dr. Rylan Flores po!
Magpapakilala lang ako saglit; ako ay isang Orthopaedic Surgeon (espesyalista sa buto) at isang nutrigeno­mic practitioner (pinagaaralan ang metabolismo ng isang tao base sa kanilang DNA profile).

Tuwing huwebes ay mababasa nyo na ang aki­ng column para magbigay ng kaun­ting kaalaman ukol sa ating kalusugan. Mga impormasyong maaaring gamitin para manatili tayong malusog at humaba ang ating buhay.

Itong linggong ito, ang paksa natin ay degenerative joint disease, a.k.a. Degenerative Osteoarthritis. Ito ay problema ng mga kasukasuan, lalo na ng mga nagdadala sa atin o weight bearing joints. Ang dahilan nito ay sa pang araw araw nating pagkilos at galaw, at pagtanda. Hindi lang natin pinag­uusapan ang may mga edad at senior citizen cards, dahil ang pagtanda ay nagmumula sa edad na 30 an­yos.

Maraming sanhi ang arthritis, at eto ay ginagamot depende sa dahilan o causative agent, tulad ng dye­ta and uricosuric ( o anti-uric acid) agents para sa gouty arthritis; antibiotics para sa bacterial, tuberculous at septic arthritis; maaaring steroids para sa psoriatic arthritis; o paminsan pagtanggal ng mga gamot tulad ng statins sa may statin- induced arthritis.

Related Posts

Patay na kuko

Sa kasamaang palad, para sa degenerative osteoarthritis, na pinakamadalas na nakikita, walang tunay na gamot dahil wala pang naimbentong gamot labanan ang pagtanda natin. Ang mairerekomenda lamang namin ay makontrol ang kirot na nadarama. Ito’y magagawa sa pamamagitan ng pangilan ngilang bagay.

Madalas konserbatibo:
1. Pain relievers at NSAIDS (non-steroidal anti-inflammatory drugs) kabilang ang paracetamol
2. Warm compress na may kaakibat o walang liniments o medica­ted gels
3. Physical therapy at rehabilitation
4. Supplementation tulad ng collagen, glucosamine at chondroitin (pero ang paggamit ng huli ay kontrobersyal)
Maaaring medyo agresibo, tulad ng ineksyon ng:
1. PRP o platelet rich plasma
2. Hyaluronic acid
3. Steroids
O tunay na agresibo (inoo­perahan na):
1. Arthroscopy
2. High tibial osteotomy (o low femoral osteotomy)
3. Total knee replacement arthroplasty
Kung anumang pagpilian, lahat ng magagawa ay mabawasan o matanggal na ng lubusan ang kirot, at hindi nito talaga magagamot ang degenerative osteoarthritis. At sana naman ang ating pangaraw araw na kilos at galaw ay swabe lang.

Hanggang sa susunod na Huwebes!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specia­lists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Siya ay speaker­ sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, at radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn).

Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentayo at katanungan. Maaari din kayong: mag email sa rylan_flores@yahoo.com, sa twitter @rylanflores, o sa Facebook Doc Rylan, kung may mga katanungan kayo.