Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Usapang lalaki: Velasco handa ng maging speaker

0 97

Hindi ako sumusuko o umaatras.

Ito ang pahiwatig ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco nang basagin na nito ang katahimikan kaugnay sa sigalot ngayon sa Kamara na may kinalaman sa napagkasunduan nilang ‘term sharing’ ni House speaker Alan Peter Cayetano.

Sa kanyang statement, sinabi ni Velasco na ang kanyang pananahimik ay hindi nangangahulugan ng pag-atras o pagsuko sa kanilang kasunduan ni Cayetano kundi paggalang sa huli bilang nakaupong speaker.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I have been silent during the duration of the Gentleman’s agreement in deference and respect to the sitting Speaker. My silence does not mean I am disinterested nor I have turned my back on the covenant,” ayon kay Velasco.

Paliwanag pa kay Velasco, “Mum on issues” means I just don’t want to call attention to myself. Being party to the term-sharing agreement, one does not and should not seek to compete with the current Speaker as a gentleman’s agreement is in force. We will have our turn at the right Time”.

Mula umano noong naupo siya bilang kinatawan ay tahimik lamang siyang nagtatrabaho at sumusuporta sa administrasyon at tumulong na maisaktuparan ang mga legislative agenda ng Pangulo.

“When both parties finally honor the agreement, I will show my colleagues the kind of leadership I espouse. Thereafter, at the end of my term, my peers can then be the judge of my loyal service to God, to the President, and ultimately, to the Filipino people,” dagdag ni Velasco. (Eralyn Prado/ Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.