Abante Tonite Interactive

Usapang OFW: Minimal effect daw?

12

Nagbabala ang Philippine Institute for Deve­lopment Studies (PIDS) na maaaring maghigpit ang mga bansang miyembro ng European Union (EU) sa pagpasok ng migrants sa kanilang borders.

“The breakdown of trust among European nations and the tightening of borders put free movement in the continent at risk, while hostili­ties against migrants intensify,” anang PIDS.
Pero hindi naman daw dapat mangamba ang mga migrant worker at OFWs sa EU, ayon nga kay Lino Briguglio, isang professor sa University of Malta.

In demand

Ayon sa professor, hindi mga Filipino ang subject ng paghihigpit­ kundi iyong Middle East nationals na tumatakas sa kaguluhan sa kani-kanilang bansa tulad ng Syria. “The Filipino people have a very good repu­tation in Europe,” sabi ni Briguglio sa isang presentation sa PIDS.

“They often occup­y jobs that are in demand. The migrant crisis will impact your overseas workforce as far as the tightening of visa rules and requirements is concerned,” anya.

Not just Pinoys

“If the EU collapses, the issue of stricter border rules will be a problem that the whole Europe and other foreigners will face and not just your Filipino [expatriates].”

While hindi masyado laman ng balita sa Pilipinas, ang European crisis ang itinuturing na isa sa pinakamalaking “global­ shocks” ngayong taon, ayon naman kay PDIS president Gilberto Llanto.

“This puts the onus on policymakers to evaluate in-depth how something as critical as the European migrant crisis could possibly affect a far-off country like the Philippines.”
Damay-damay

Para sa Usapan, well and good kung talagang­ wala o minimal ang ma­ging epekto ng EU migrant crisis sa mga kababayan natin doon.

Pero pagdating sa isyu ng race, napakadaling magkaroon ng we and you situation kung saan nagko-­close in ang indigenous community laban sa lahat ng migrants. Kumbaga napakadaling madamay ng isang race sa prevailing hateful sentiments kahit hindi sila ang orihinal na target.

Kaya nga maraming hate crimes na racial bi­gotry ang pinagsisimulan, hindi ba? Tingnan na lang natin ‘yang nangya­ring beheading ng isang Canadian na Abu Sayyaf ang gumawa.

2010 flashback

Pwedeng pagmulan iyan ng anger sa mga Filipino sa Canada bagama’t malawak naman ang pag-iisip ng mga Canadia­n (hopefully) na isang terrorist group ang Abu Sayyaf at incidental lang na Filipino ang karamihan sa kanila. Well, san­a ay ganu’n na nga dahil all it takes is one person with a distorted mind or point of view to commit hate crimes.

Naalala ba ninyo ‘yung naging problema ng mga OFW sa Hong Kong matapos ang 2010 Quirino Grandstand incident kung saan ilang Chinese tourists ang namatay dahil sa pangho-hostage ng isang Pinoy na pulis. Oh well, let’s hope for the best.

Come Follow Me on Twitter @beeslist. And Chime In with your opinions or comments. Kung may pinagsisintir, email lang sa usapang_ofw@yahoo.com or tumawag sa phone number 551-5163.