Abante Tonite Interactive

Usapang OFW: Recruitment to deployment

By
25

Iyan daw ang assistance ng gobyerno na ipinag-utos ni President Duterte kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay para sa 0verseas Filipino Workers (OFW). Sa isang forum noong Lunes, sinabi ni Yasay na ayaw daw ng Pangulo na maabala sa mahabang pila sa pagkuha ng mga dokumento.

So, ang marching order daw niya mula kay President Rody ay ang siguruhin na mababawasan ang red tape sa pagpoproseso ng mga travel at work documents sa mga ahensiya ng foreign affairs at labor departments.

Kunsabagay, iyan din ang gustong mangyari ng Pangulo sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan — ang tanggalin ang red tape na nagiging source ng padulasan at kurapsyon.

Abante Hiring – IT dep

Agencies

Anong mga ahensiya ba ang mga iyan na tinutukoy para sa OFWs: Sa side ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay ang passporting section at sa side ng labor ay ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Nandiyan din ang Social Security System (SSS) at ang Philhealth na pinipilahan din ng would-be OFWs.

True enough, kailangan talaga ng one-stop shop para sa OFWs sa pagkuha ng lahat ng kanilang documentary requirements, pati na iyong sa NBI clearance at birth or marriage certificates mula sa National Statistics Office (NSO).

OFW dep’t

Gaya ng nasabi natin kamakailan, plano ng Duterte administration na magtayo ng Department of OFWs na ang tentative office ay sa Philippine Postal Building sa Manila. For sure, magkakaroon ng one-stop shop sa documentary processing sa naturang department.

“We want to make sure that from the very day, the first day that the recruitment processes start, up to the time that they arrive at their point of destination, we will be ready and available to help them in their needs,” ang wika ni Yasay.

“We know that as they go abroad, they’ll be the subject of a lot of difficulties, uncertainties, and vulnerabilities, and the least that we can do for our overseas workers, who — in a true sense — are our economic heroes, is to make ourselves readily availa­ble for their service,” aniya.

CCTVs

What does this mean para sa mga aplikante sa patrabaho sa abroad? For one, bibilis ang processing time at dahil magkakaroon ng less opportunities for corruption ay mababawasan din ang gastos sa pagpo proseso ng mga documents.

Mawawala na hopefully ang ‘under the table’ na bayaran at ang palakasan system sa fast-tracking ng release ng docs. To help ensure this, dapat ay lagyan ng sandamakmak na Close Circuit Television (CCTV) cameras ang frontline offices para sa OFWs.

Sure, magandang panimula para sa administrasyon ang planong step-by-step assistance para sa OFWs from recruitment to deployment. And when naka-set up na iyan, ang bigger agenda ay ang magkaroon ng assistance sa OFWs from recruitment to repatriation to reintegration.

***

Come Follow Me on Twitter @beeslist. And Chime In with your opinions or comments. Kung may pinagsisintir, email lang sa usapang_ofw@yahoo.com or tumawag sa phone number 551-5163.