Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Usec, 23 Davao doc tumiba sa Philhealth

0 245

May higit 100 doktor, kabilang ang isang Undersecretary at 23 mula sa Davao region, ang lumutang sa listahan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong 2019 na nirerekomenda para imbestigahan kaugnay ng diumano’y fraudulent claim sa sakit na kinokonsidera sa buong mundo na hindi madaling makuha.

Gayunman, ayon sa mga PhilHealth insider walang kaso na sinampa laban sa mga sangkot na ospital at doktor.

Ang Diabetic Ketoacidosis (DKA) ay komplikasyon ng diabetes, na may 4 hanggang 8 episode sa bawat 1,000 pasyante, ayon sa ulat na nakuha ng Politiko. Dagdag ng insider ng news site, “DKA is only one of the illnesses covered by PhilHealth insurance there are thousands more this is just a tip of the iceberg.”

Ayon pa sa source, ang ulat tungkol sa DKA bogus claim ay sinumite na sa House of Representatives para sa pagkuwestiyon sa anomalya ng PhilHealth.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gamit ang Machine learning Identification Detection Analysis System (MIDAS) para matukoy ang maanomalyang pattern sa iba’t ibang rehiyon na may mataas na claim partikular sa DKA, nakapagtala ng 10,214 hinihinalang bogus claim mula sa 113 doktor sa buong bansa.

Tulad sa mga ospital, natukoy din ng MIDAS ang Region 11 na may pinakamaraming bilang ng hinihinalang DKA “upcasing claims by physicians.”

Higit naman sa kalahati ng fraudulent claim o 5,838, ay mula diumano sa 23 doktor sa pareho pa ring rehiyon. Kabilang dito si Health undersecretary Leopoldo Jumalon Vega na diumano’y may 49 suspicious claim.

Ang iba pang bahagi ng Mindanao ay may mataas ring bilang ng kaso na umaabot sa 600 kada doktor, kumpara sa National Capital Region na may 664 suspected claim sa 13 bayan at lungsod.

Sinubukang hingin ang panig ang usec pero wala pa itong tugon hanggang sa isinusulat ang balitang ito. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.